Una sa Balita

Atras sa demanda

Regine lumambot sa mga basher

By
0 702

Hindi na nga nagpunta si Regine Velasquez-Alcasid sa NBI para ipa-trace ang mga nam-bash sa kanya at sa kanyang pamilya. Hindi rin daw siya nag-consult sa isang abogado para magsampa ng demanda.

Naisip ng Asia’s Songbird na masyado lang siyang maaabala kapag ginawa niya ang mga ‘yan. Ang gusto lang daw niya ay ang magkaroon ng sumbungan ang kung sinuman ang naba-bash sa social media.

“May mga kinaka­usap na kami tungkol diyan. Ang gusto lang sana namin ay ‘yung may paraan para i-report ang mga bashers na ito. Yung magkakaroon agad ng action.

“Kahit kasi may tinatawag tayong Cyber Crime Law, pinagtatawanan nila ito, eh. ‘Yun ang nakakalungkot kasi these bashers, they don’t take this law seriously.

“‘Yun ang gusto namin sana na ma­patibay nila. At siyempre, we need the help of the government at ng ibang mga tao para maayos ito,” sey pa ni Regine.

Para kay Regine, ang social media ay isang lugar kunsaan dapat ay maging masaya ang lahat at isang magandang way para makipagkaibigan ka.

“It’s supposed to make us all happy and it’s a place we all feel na we belong.

“Kasi, ‘di ba? Masarap ang makipagkaibigan, eh. Kahit na mahiyain ka, nand’yan ang Facebook para magkaroon ka ng mga kaibigan na bago.

“Tapos ang Instagram, you can post photos that will make you happy. Basta nakapag-post ka ng something na makakapagpasaya sa araw mo.

“Pero may mga tao talaga na gustong sirain ang happiness na ito para sa ibang tao.

“Hindi ba nakakainis ang ganyan? You try your best to be positive, ma­ging happy tapos biglang may maninira nito.
“I realize na kahit na dedmahin mo ito, hindi pa rin tama, eh. Sa edad kong ito may nanlalait pa sa akin.

“Siyempre, hindi ko rin napigilan ang sarili kong sumagot kasi I have to defend myself, which is tama lang naman.
“I just hope na may mapuntahan na maganda itong pinaglalaban natin,” sabi pa ni Regine, na mapapanood sa show niya na “Regine At The Movies” on November 17, 24 and 25 sa New Frontier Theater sa Araneta Center in Cubao, Quezon City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy