Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Atras sa away kay Francine: Andrea umayuda sa mga nasunugan, batang lansangan

0 192

Sunod-sunod ang ganap sa buhay ni Andrea Brillantes, at sunod-sunod din ang batikos sa kanya, lalo na sa naging away nila ni Francine Diaz.

Sa totoo lang, mas maraming kumampi kay Francine, dahil naniniwala sila na si Andrea ang may pakakamali. Lalo na noong lumabas ang chika na kesyo sinugod ni Andrea si Francine, at kaya nakipagkita si Seth Fedelin kay Francine ay para humingi ng paumanhin, sorry.

Nasundan pa ang pagka-nega ni Andrea noong talakan niya ang isang fan na nagpayo sa kanya na ‘usap muna bago drama sis’.

Pero siyempre, hindi naman lahat ng chika kay Andrea ay puro nega lang. Lalo na ngayong may maganda naman siyang ginawa, at mapapanood `yon sa kanyang YouTube channel.

Anyway, namigay ng laruan, pagkain si Andrea sa mga batang kalsada, at pati na rin sa mga nasunugan sa Mandaluyong City, na personal pa niyang pinuntahan.

Ang bongga na 500 piraso ng mga laruan at 350 food packs ang hinanda niya. At yes, iyak siya nang iyak habang nakikita na marami ang naka-appreciate siya mga pinaghirapan nilang magkakapatid.

“Lahat ng kikitain ng vlog na ito ay ido-donate as mga biktima ng bagyong Odette.

“Nakanood ka na, natawa ka, nakatulong ka pa,” sabi pa ni Andrea.

Oh, hayan, ha! Bongga naman ni Andrea, na marunong namang magbigay sa mga nangangailangan.

Feeling Anne: Ai-Ai nag-swimsuit sa snow

Nag-feeling Anne Curtis si Ai-Ai delas Alas, ha!

Well, nasa Amerika nga si Ai-Ai kasama ang mister niya. At dahil umuulan ng niyebe sa Tate ngayon, kaya sinamantala niya ang pagkakataon.

Sumakay na rin siya sa usong-uso ngayon na nagsu-swimming, sumasayaw sa gitna ng snow.

Pinakita nga ni Ai-Ai na kaya niyang tiisin ang lamig ng snow alang-alang sa content niya sa TikTok. At wagi naman siya dahil nakuha niya ang atensiyon ng mga netizen.

“Tumbling sa snow pero nganga. Toxic talaga pati sayaw wala, para in lang. #fantanga #memagawalangsasnow #paandar2022,” sabi ni Ai-Ai.

Epic fail nga ang pag-tumbling niya dahil bumagsak agad siya sa snow.

Leave A Reply

Your email address will not be published.