Una sa Balita

Atong, mga breeder naglipat ng cock farm

0 467

APEKTADO ang ilang mga breeder ng manok sa pagsabog ng Taal Volcano dahil sa nagliparang abo (ash) na dumapo sa ibat’ ibang lugar sa CALABARZON.

Isa sa mga kilalang bigtime na sabungero na napektuhan si Charlie ‘Atong’ Ang dahil ang kanyang AA Cobra GF ay nasa Lipa City, Batangas.

Ayon sa nakalap­ na impormasyon ng Abante, inilikas ang mga manok ng AA Cobra GF sa ibang lugar upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan.

Laking pasalamat naman ng breeder na si Maginie Yu dahil hindi napinsala ng ashfall ang MYRE GF sa Lucena kaya nanatili doon ang kanilang manukan.

Si Rudolph Macasaet na isang backyard breeder sa Lipa, Batangas din ay naperwisyo ng ashfall, nasa 20 pira­so ang kanyang alaga at may mga sisiw pa, pero ilan na lang ang natira sa kanyang mga tandang habang ubos ang mga two month old niya.

“Wala naman akong mapaglilipatan, dito lang ang lugar namin kaya ginagawan ko na lang ng paraan para mailigtas ko iyong ibang alaga ko,” malungkot na saad ni Macasaet. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More