Una sa Balita

Atong ang yari sa panunulot ng STl ng PCSO

By
0 1,858

Ipinatawag ng Senate Committee on Games and Amusement ang kontrobersiyal na gambling lord na si Charlie ‘Atong’ Ang upang humarap sa pagsisiyasat hinggil sa sinasabing anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Offic­e (PCSO).

Bunsod ito ng ulat na binalak ni Ang na kontrolin ang Small Town Lottery (STL) o­perations ng PCSO na nagbibigay ng bilyon-bilyong pisong kita sa ahensiya.

Ito rin ang pagkakataon na magkakaharap-harap sina PCSO general manager Ale­xander Balutan at board member Sandra Cam na nasangkot sa word war kamakailan bunsod ng rebelasyon ng huli na gumastos ng P10 milyon ang ahensiya sa maluhong Christmas party ng mga emple­yado sa isang five star hotel noong Disyembre.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Senate Committee Chairman Panfilo ‘Ping’ Lacson, itinakda nila ang hearing­ sa Enero 17, araw ng Miyerkoles.

“In-invite namin si Atong Ang, invite namin ang police regional directors, at Secretary (Eduardo) Año dahil nakapagbigay siya ng pahayag na titingnan niya mabuti na hindi nadadaya ang STL. At ititigil niya ang illegal gambling so yan ang pinatawag namin,” saad ni Lacson.

Kasama rin sa ipinatawag ang mga opisyal ng PCSO at mga provincial directors ng mga piling lalawigan tulad ng Laguna, Batangas, Quezon, Pangasinan at Pampanga.

“Ang buong board kasama si Sandra Cam ang newly appointed director ng PCSO kasama roon,” dagdag ni Lacson.

Isa sa nais tukuyin ng kumite ang kita mula sa STL at kung tugma ito sa aktwal na operasyon.

Nakarating sa kaalaman ni Lacson na ang isinusumiteng presumptive monthly retail receipts (PMMR) ng authorized agent corporations (AACs) ay maliit lang kumpara sa aktuwal na kita ng mga operator.

“Ang isang usapin, presumptive monthly receipts ang report ng STL operators kung saan nakikita natin sinabi ni Ms Cam na front lang ng gambling lords,” dagdag ng senador.

“Gusto natin malaman yung PMRR sabi nila P1.2B a year ang na-generate ng PCSO na ito mas mataas sa nakuha ng dating management. Pero ano ang potential collection ng STL sa iba’t ibang lugar?” giit ng mambabatas.

Ipinaliwanag pa nito na inihayag sa kanya ni dating Pangasinan Go­vernor Amado Espino na noong siya pa ay nasa pwesto, sa lalawigan pa lamang nito, nasa P20-P30 milyon na kada araw ang kita.