Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Atong Ang pigain sa mga missing sabungero – Bato

0 115

Binigyang-diin kahapon ni Senador Ronald `Bato’ dela Rosa na hindi pa ganap na absuwelto ang negosyanteng si Charlie `Atong’ Ang sa isyung may kinalaman sa pagkawala ng 34 sabungero.

Ipinahayag ito ni Dela Rosa kasabay ng rekomendasyon na kailangan pa ring ipagpatuloy ang imbestigasyon dahil wala pang malinaw na resolusyon sa mga nawawalang sabungero kahit naghain na ng kaso ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

“In the interest of justice para doon sa pamilya nong mga nawawalang 34 katao…kailangan na ipagpatuloy..hanggang ngayon wala pang linaw although nakapag-file na ng kaso ang CIDG after our committee hearings. kulang pa `yon,” sabi ni Dela Rosa sa panayam ng DWIZ.

Partikular aniya rito ang pagkakasangkot ni Ang na kung saan ilang beses umano nabanggit ang pangalan nito sa kanilang isinagawang imbestigasyon.

“Ilang beses nabanggit ang pangalan niya, kailangan talaga ipagpatuloy ang imbestigasyon para para makakuha tayo ng hustisya dito,” dagdag ng senador.

Si Dela Rosa ang chairperson ng Senate committee on public order and dangerous drugs na nagsagawa ng imbestigayon ukol sa mga nawawalang sabungero. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.