Una sa Balita

Atong Ang, iba pang bigtime cocker salpukan sa World Pitmasters

0 1,155

ANG limang promoters ng “2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby” na sina Mr. Charlie ‘Atong’ Ang, Engr. Sonny Lagon, Mr. Gerry Ramos, Gov. Eddiebong Plaza at Mr. RJ Mea kasama ang iba pang kilalang pangalan sa industriya ng sabong ay lalahok sa pinakahihintay na big-time derby sa taon na gaganapin ngayong Enero.

Ito ay gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila mula Enero 17 hanggang 26, maglalaban-laban ang mga kasali para sa premyong P15,000,000 at tropeo.

Maliban sa P88,000 pot money at hindi bababa sa P55,000 na pusta, pinapayagan ding lumahok ang mga binabaeng panabong sa arsenal ng kanilang “fighting cocks”.

Gaganapin sa Enero 17 at 18 ang “2-Cock Elims” kasunod ng isang araw na pahinga. Gaganapin naman sa Enero 20 ang “USA vs. Philippines 25-Cock Main & 6-Cock Big Event”. Ipapatalastas din sa naturang event ang nalalapit na laban nina Pacquiao at Broner.

Ang “3-Cock Semis (Set A & B)” ay magaganap sa Enero 21 at 22 kasunod muli ng isang araw na pahinga. Darating naman ang “4 Cock Pre-Finals (3 & 3.5 points) sa Enero 24. Pagpapahingahin ang mga panabong ng Enero 25. Ang engrandeng “4-Cock Grand Finals (4, 4.5 & 5 points) ay gaganapin sa Enero 26.

Pinangungunahan ni Mr. Charlie ‘Atong’ Ang, Engr. Sonny Lagon, Mr. Gerry Ramos, Gov. Eddiebong Plaza at Mr. RJ Mea at sa tulong ni Mr. Eric Dela Rosa. Ang Thunderbird, VNJ, Thor, Experto at BMEG ang mga pangunahing sponsors ng event katuwang ang Resorts World Manila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy