Una sa Balita

Atom Araullo type ligawan si Gretchen Ho

By
0 3,784

Interested ba si Atom Araullo kay Gretchen Ho? Feeling kasi ng netizens ay may pahiwatig ang TV host sa kanyang dating katrabaho sa Umagang Kay Ganda bago ito lumipat sa Kapuso network.

Kasi nga naman, nag-post si Gretchen ng isang picture kung saan ay napapalibutan siya ng mga puso na ang caption ay naghihintay raw siya ng kanyang lifetime Valentine.

Sa comment section ay nag-post naman si Atom nang, ‘Stop this now.’

Na ang ibig sabihin ayon sa netizens ay huwag na siyang mag-emote dahil baka siya na ang tumapos sa paghihintay nito.

Kaya nga marami ang kinilig sa kanila na nag-ilusyon na baka gustong ligawan ni Atom si Gretchen.

Why not coconut, e, pareho naman silang single at may maayos na trabaho, devah?

Pero, sa kabilang banda, marami pa rin ang hoping against hope na sana ay magkabalikan naman sina Gretch at Robi Domingo.

Anyway, fake news naman daw ang kay Robi at Sandara Park, so might as well, bumalik na lang siya sa kanyang dating love of his life, noh!

Nakakalokah nga ang netizens na tinag pa talaga ng mga ito si Robi at malay nila kung na-gets nito ang mensahe ni Gretch.

Well, tingnan natin one of these days, noh!

Mike Tan tumanggi sa buntisan isyu

As much as possible, maingat si Mike Tan na pag-usapan ang tungkol sa kanyang past sexcapades bilang respeto raw sa kanyang asawa. Aminado naman si Mike na hindi siya santo, pero, bago pa man siya sila ikasal ni ‘Cris’ ay alam na nito ang lahat-lahat sa kanyang nakaraan.

Kaya, nang tanungin siya kung ano ang proteksiyong ginamit niya para maiwasang makabuntis ng iba, o mahawaan ng sakit, maayos naman siyang tumangging sagutin ang tanong sa presscon ng advoca-serye ng GMA 7, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Alam daw niyang mababasa o maririnig ng kanyang asawa ang anumang isasagot niya, kaya para sa ikatatahimik ng kanilang marriage lalo na’t halos isang buwan pa lang sila bilang mag-asawa, hindi na niya ito sinagot.

Nirespeto naman ito ng press people, kaya shift sila sa ibang tanong.

Anyway, happy siya na parang reunion nga raw ito ng Starstruck dahil sa serye ay kasama niya sina Jackie Rice at Yasmien Kurdi pati na si Ms. Gina Alajar (na coach nila) na lahat ay Starstruck babies.

‘Yun na!