Una sa Balita

Atom Araullo, ‘babanggain’ ang mga dating kaibigan sa ABS-CBN

By
0 7

Sinelyuhan na ng broadcaster journalist na si Atom Araullo ang pagbabalik niya sa GMA Network. Inilabas ng 24 Oras ang kumpirmasyon na Kapuso na siyang muli.

“It’s the start of a new partnership. Obviously, I’m very excited. I’ve been a journalist for a decade, give or take, and I’ve always felt like there’s undeniable need to grow and this is where my journey took me.

“I keep telling my friends na ang dami kasing puwede pang matutunan. Marami rin akong hinangaan sa GMA, kaya nang magkaroon ng oportunidad na (makatrabaho sila) at nakita ko na ito na talaga ‘yong direksyon na tinatahak ng aking career, talagang pinag-isipan ko nang mabuti at nandito na ako ngayon.

“Ang bottom line is that I’m up for new challenges also,” sabi ni Atom.

Magiging bahagi ang broadcaster sa unang project ang special report ng network sa biodiversity ng bansa bilang bahagi ng I-Witness team. Bilib din kasi si Atom sa documentary team ng GMA kaya umaasa siyang mahahasa siya sa aspetong ito.

Bukod dito, balitang lalabas din siya sa morning show na Unang Hirit na katapat ng nilayasang programa.

Martin, no politics na sa 2022

Nagsalita si Communications Secretary Martin Andanar sa pagkawala ng newscaster na si Cathy San Gabriel sa PTV 4. May naglabasan kasi sa social media na nagrereklamo siya dahil sinibak siya.

“Matagal na ‘yon si Cathy. Actually I’m saddened by what happen to Cathy. Ngayon lang ako nagsalita.

“No, no. Wala akong kinalaman doon. This is the first time I’ll talk about it. Siyempre may rigodon sa loob ng network. It happens in ABS, TV 5, GMA, CNN. It happens everywhere. Meron lang talagang rigodon na lipat-lipat.

“Ang nangyari dapat, Cathy was to be moved in other show. Lilipat lang. But things turned sour. Dinaan sa social media. You know, it went sour,” pahayag ni Sec. Martin.

Ano ang plano niya sa 2022 after ng term ng presidente?

“I will go back to my town in Siargao. Just surf and also dedicate my time teaching or mentoring high school students.

“No politics!” diin ni Sec. Martin.