Una sa Balita

ATM fee sisipa ng ₱30 kada withdrawal

0 400

NAGBABADYANG tumaas ang Automated Teller Machine (ATM) fee bunsod ng pinalabas na utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na alisin na ang freeze order na pinataw anim na taon na ang nakaraan.

Noon pang Hulyo 19, 2009 inisyu ng BSP ang Memorandum No. M-2019-020 para sa pagtanggal ng moratorium sa ATM fees.

Nais ng mga bangko na itaas ng 50% ang ATM fees bago ito hinarang ng BSP noong 2013.

Kung matutuloy ito ngayon, ang single interbank withdrawal transaction ay maaaring umakyat sa P20 hanggang P30 mula sa kasalukuyang P10 hanggang P15. Ang single interbank ba­lance inquiry naman ngayon ay P2.

Dahil dito, naghain ng House Resolution No. 210 si Makati City Rep. Luis Campos Jr. upang mapaimbestigahan ang napipintong pagtaas ng ATM fee.
“We are worried that the forthcoming increases in ATM charges might harm consu­mers – the nation’s more than 58 million ATM cardholders,” ani ni Campos.

“Even more vulnerable are our estimated 4.1 million minimum wage earners. Many of them receive and withdraw their salaries twice a month through their ATM cards at the machine nearest them,” dagdag ng kongresista.
Pinuna din ng mambabatas ang “virtual monopoly” sa network na nag-uugnay sa 21,682 ATM sa buong kapuluan.

In-outsourced ng ExpressNet Inc. ang kanilang ATM network sa BancNet Inc. noong 2008, habang ang BancNet at MegaLink Inc. naman ay nag-merge ng kanilang ATM network noong 2015 kung saan ang BancNet ang surviving entity.

“In this case, we are clearly compelled under the Consumer Act, or Republic Act 7394, to conduct and inquiry so as to safeguard the rights of ATM users,” saad ni Campos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy