Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Atlanta tumabla: Tuhod kumalog, Giannis namilipit

0 97

SIDELINED si Trae Young (ankle), anim na players ng Atlanta ang rumesponde ng 10 points pataas at nilampaso ng Hawks ang Milwaukee Bucks 110-88 para ibuhol ang Eastern Conference finals sa 2-2.

Humarabas ng 21 points si Lou Williams na nag-start para kay Young, balik ang angas ni Bogdan Bogdanovic sa nilistang 20 points. May tig-15 pa sina Kevin Huerter at center Clint Capela.

Namigay ng pinagsamang 20 assists sina Williams, Huerter at Bogdanovic.

Nauwi sa best-of-three ang series, basagan ulit sa Game 5 sa Milwaukee sa Biyernes (araw sa Manila).

Maaga ring natapos ang gabi ni Giannis Antetokounmpo, iika-ikang lumabas ng court dahil sa injured left knee.

Parehong airball ang dalawang tira ni Antetokounmpo sa free throw line sa first quarter. Sa bukana ng third, nagkamada ang two-time MVP ng 8 points huli ang step-back jumper na nagdikit sa Bucks 62-54.

Pagbalik sa kabila, tinangkang butatain ni Antetokounmpo ang dakdak ni Clint Capela. Masama ang bagsak ng Greek Freak, tiklop sa sahig habang hawak ang kaliwang tuhod.

Tumapos si Antetokounmpo ng 14 points, may 18 markers si Jrue Holiday sa Bucks.

Hindi pa sigurado kung makakalaro sina Young at Antetokounmpo sa Game 5. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.