Una sa Balita

Ating suportahan, ipakita ang galing ng atletang Pilipino!

0 528

Ilan taon na rin ang nakalipas nang nanguna ang Pilipinas sa talaan ng nakopong medalya para sa Southeast Asian Games o SEA Games. Sa aking pagkakaalala, taong 2005 pa noong tayo ang nag-overall champion sa naturang biennial multi-sport event. Ang naturang ‘best finish’ nating ito ay naganap dito mismo sa atin kung saan tayo rin ang host country para sa patimpalak na nilalahukan ng labing-isang bansang matatagpuan sa Southeast Asian Region.

Kaya naman mahalagang pagkakataon ito ngayon na tayo ang host country upang maipamalas muli ng atletang Pilipino ang kanilang husay at disiplina sa kanya-kanyang sports event at siyempre, magkamit ng pinaglalabanang gintong medalya. Ito na ang ikaapat na hosting natin mula nang ilunsad ang SEA Games taong 1977 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sama-sama nating suportahan ang ating mga atleta na lalahok sa 30th SEA Games 2019 dito sa ating bansa. Muling ipamalas sa buong mundo ang galing ng bawat Pilipino! Sabay-sabay nating isigaw ‘WE WIN AS ONE!’ Mabuhay ang atletang Pilipino!

***

Idinaos nitong nakalipas na linggo ang ‘Drug Abuse Prevention and Control Week 2019’ sa pangunguna ng Dange­rous Drugs Board (DDB) na isa sa lead agencies na nagsusulong ng kampanya laban sa iligal na droga. Atin ang kara­ngalan na maanyayahan sa culminating event ng naturang pagdiriwang kung saan ating hinikayat ang mga kasamahan na maging mas masigasig sa pagtupad ng bawat tungkulin upang sugpuin ang matagal nang problemang ito hindi lamang dito sa ating bansa ngunit maging sa ibang mga bansang mas progresibo.

Ating binigyan-diin ang mahalagang bahagi ng bawat Pilipino upang siguruhin ang tagumpay ng laban na ito. Ang kooperas­yon at suporta ng bawat isa ay susi sa ating panalo sa war on drugs.

Simula noong ating pangunahan ang ‘Oplan Toktok Hangyo’ (knock and plead), malaking numero na rin ng drug dependents ang nagbago at ating naibalik sa kanilang pamilya. Ang mga taong ito ay muling naging produktibo hindi lamang para sa kanilang mga pamilya ngunit maging sa kanilang komunidad.
Nakalulungkot lang isipin na sa kabila ng ating pagsisikap ay may mga ibang tao at grupo pa rin na mistulang bulag at sinasabing failure ang war on drugs ng gobyerno. Gusto nilang lokohin ang tao na failure raw ang war on drugs… tanong ko naman, anong standard ninyo ng failure? Baka ang standard nila ay ang standard ng Europe… ng mga bansang Amerika at Colombia na kilalang naglipana ang iligal na droga.

As far as Filipino standard is concerned, nakapagtala ng 82 percent approval rating ang Pa­ngulong Duterte gayundin ang war on drugs, at ang rating na ito ay mula sa kapwa natin mga Pilipino. Ito ay patunay na aprubado ng taumbayan ang kampanyang ito laban sa iligal na droga. Huwag nating lokohin ang taumbayan, let us give them the real numbers.
At higit sa lahat ila­gay pa rin natin ang Panginoon sa gitna ng pagsulong na ito. Hindi na lingid na marami pa ring mga detractor sa kampanyang ito ang nagsasabing tayo at ang ating mga kasamang law enforcement operative sa war on drugs ay mga mamamatay tao. Nais ko lamang bigyan-diin na tayo ay nagsisikap sagipin ang bawat tao mula sa demonyong droga, bagay na nagpapatunay na tayo’y maka-Diyos at makatao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy