Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Atienza: Good vibes dala ng bulaklaking damit

0 127

Naging trademark na ni Deputy Speaker Lito Atienza ang pagsusuot ng floral shirt buhat nang maging public servant siya kaya naman laging natatanong sa mambabatas kung bakit nga mahilig itong magsuot ng bulaklaking damit.

Sa ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, nilantad ni Atienza ang dahilan kung bakit nahuhumaling siya sa mga bulaklaking damit na hanggang ngayo’y kanya pa ring sinusuot.

“Colorful shirts will promote a better day for everyone,” saad ni Atienza, kung saan nilarawan niyang ‘truly’ Filipino ang pagsusuot ng naturang damit.

“Tingnan mo ‘yung suot ng mga nasa bukid noong araw, ‘di ba colorful? Tingnan mo ‘yung suot ng mga Muslim sa Mindanao, colorful,” paliwanag ng kongresista.

“Ang Pilipino makulay, ang Western malungkot. Eh bakit gusto mong malungkot ka?”

Aniya pa, ang pagsusuot ng floral shirt ay nagpapaganda ng efficiency at performance ng mga manggagawa. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.