Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ati-Atihan purnada sa coronavirus

0 109

Kinansela ng Kalibo municipal government sa Aklan province ang Ati-Atihan bazaar at Ati-Atihan food festival ngayong taon dahil sa papataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Magugunitang hindi sumang-ayon ang Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa Kalibo Ati-Atihan Festival dahil malamang na hahatak ito ng tao.

Sa isang sulat kay Mayor Emerson Lachica na may petsang Enero 7, minungkahi ni RIATF Chairperson Juan Jovian Ingeneiro na ang mga festival activity ay isagawa na lang online.

Una nang inanunsyo na walang sadsad nga­yong 2022 dahil pa rin sa pandemya.

Nitong Enero 8, nakapagtala ang Kalibo ng 67 aktibong kaso ng coronavirus, akyat mula sa 5 kaso noong Disyembre 31.

“We are one with Kalibo and its residents in expressing our reverence to the Santo Niño,” ani Ingeneiro. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.