Una sa Balita

Athletics talaga ang first love ko – Pontejos

Gabay ng maykapal!

By
0 740

Nang dahil sa training at tiwala sa sarili, nakamit ng sharpshooter na si Janine Pontejos ang gold medal sa FIBA 3×3 World Cup three-point shootout.

Ngunit bago pa man tumunog ang pangalan ni Pontejos sa basketball court ay nagsimula ang tubong-Lemery, Batangas sa ibang isport.

“Nag-start ako by age 9. Actually po hindi basketball, at sa athle­tics po talaga ako,” sabi ni Pontejos.

Taong 2009 nang sumabak sa collegiate league si Pontejos sa De La Salle-Lipa, at doon nagsimulang mahalin ng 26-anyos ang larong basketball.

Kahit dinodomina ng mga kalalakihan ang basketball, pinasok pa rin ng 4-time WNCAA MVP ang naturang larangan.

“Passion ko na siguro ‘yung basketball kaya hindi pa ‘ko nagha­hanap ng trabaho after ko gruma­duate,” lahad ni Pontejos.

Kasalukuyang miyembro ng Perlas Pilipinas si Pontejos at parte rin ng coaching staff ng Centro Escolar University women’s basketball.

Aniya, matinding training ang kanyang pinagdaanan bago naabot ang tagumpay.

“Training every morning. Hindi ko pinagsisisihan kasi dahil du’n nakatapos ako ng pag-aaral at nakarating ako sa ganitong level. Work hard lang palagi, hindi ko iniisip kung ano narating ko. Lagi kong sinasabi na para ito sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko. Gusto kong maging proud sila sa akin,” ani Pontejos. Payo niya sa mga kabataan, magpasalamat sa mga taong gumabay sa kanila simula umpisa.

“Sana huwag kalimutan ‘yung nasa Itaas. Palaging magpasalamat, always stay humble at huwag kalimutan kung saan ka nagsimula.”