Una sa Balita

Athletics Stadium, Luzon Cup tatalakayin sa PSA Forum

0 314

USAPANG construction at disenyo ng New Clark City Athletics Stadium para sa 30th Southeast (SEA) Games at ang paparating na Luzon Cup football tournament ang sentro ng talakayan Martes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Amelie Hotel-Manila.

Mangunguna ang E-Sports International ma­naging director na si Audris Romualdez sa 10am session upang magbigay­ update sa bagong ­gawang stadium sa Capas, Tarlac kung saan ito ang main location ng two-week event Nov. 30 hanggang Dec. 11.

Bukod kay Audris ay sasamahan rin ito ni MTD Philippines president na si Nikko David.

Susundan naman ito ng ikalawang set ng guest na si Negros Occidental Football Association (NOFA) President Ricardo Yanson Jr. upang talakayin ang Luzon Cup na gaganapin sa Nov. 21-24 sa Jose V. Yap Sports and Recreational Park sa San Jose, Tarlac.

Ang nasabing weekly forum ay inihahan­dog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy