Una sa Balita

Ateneo lady eagles ililipad nina Dani, Kat

0 446

WALANG aatrasang laban ang ­defending champions Ateneo de Manila University Lady Eagles para madepensahan ang ­titulo sa parating na UAAP ­Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament 2020.

Lakas, tiwala at teamwork ang naging puhunan ng Lady Eagles sa nakaraang taon upang maiuwi sa kanilang poder ang pinaka-aasam na korona sa torneo, lumagot sa tatlong taong pagrereyna ng karibal na De La Salle University Lady Spikers.

Ngayong edisyon na nagsimula na dapat kahapon pero iniurong sanhi ng novel corona viros disease o COVID-19, may panapal na ang Katipunan-based squad sa lineup sa pagg-raduate nina Maddie Madayag, Bea de Leon at Kim Gequillana.

Magbabalik pa rin sa mga Ateneista sina Kat Tolentino, Jhoana Maraguinot at ­Jamie Lavitoria na aasahan sa koponan. Gayundin sina team captain Ponggay Gaston, at veterans Jules ­Samonte at Dani Ravena.

Offseason, sampa rin sa podium ang Lady Eagles sa 2019 Premier Volleyball League Collegiate Conference matapos makasungkit ang bronze medal.

Hindi rin nagpahuli ang Lady Eagles para sa kanilang paghahanda sa torneo sa pagpunta pa sa Japan para sa kanilang training camp.

Ngayong season, hindi magpapasindak ang defending ­champions upang masungkit ang target na back-to-back championship sa pagtimon ni coach Oliver ­Almadro. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More