Una sa Balita

Ateneo bully pumiyok: Self-defense ang ginawa ko!

By ,
0 992

NANINDIGAN ang estudyante ng Ateneo Junior High School na hindi niya binully ang kamag-aral sa viral video kundi ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili sa ginawang paghahamon sa kanya sa restroom.

Sa interview ng Abante columnist Arnold Clavio na isinaere sa GMA News, sinabi ng 14-anyos na dating estudyante ng Ateneo na hindi siya bully dahil ang nakalaban niyang estudyante ang naghamon ng suntukan.

“Sabi niya gusto niya raw makipagsuntukan mamaya, sabi ko sige mamayang dismissal. So, nu’ng dismissal nga ‘yon, pumunta kami sa CR tapos umihi siya tapos nagsasalita ako tapos ‘yung nangyari sa video,” kuwento ng estud­yante tungkol sa nangyari noong Disyembre 19, 2018.

“Para sa akin, hindi naman bullying ‘yung ginawa ko because I was also defending myself naman in a way,” kuwento pa ng binatilyo.

“Kaso nga lang in the video, mukhang ako talaga ‘yung mas aggressive, pero before that, hindi naman nila alam kung ano ‘yung nangyari,” dagdag pa niya.

Nagbigay naman ng apology ang ina ng estudyante pero naghimutok ito na ‘bata’ lang ang inaakusahang bully sa video.

“I would like to apologize for the action of my son. Sa nasaktan niya, sa school kung na-drag man ang school sa isyu na ‘to, I apologize. Pero gusto ko ring ­hingin ‘yung understanding ng tao na bata ‘tong anak ko eh,” ayon sa ina ng bata.

Inulan naman ng puna at batikos ang pahayag ng mag-ina. Maging ang mga sikat na personalidad ay hindi napigilang magbigay ng kanilang ­saloobin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy