Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ate Vi wala pang planong tumakbo sa 2022

0 184

May isa pang natitirang termino sa Kongreso si Lipa City, Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Pero, punto niya sa programang “Balitaan at Kamustahan” ng Politiko ngayong Martes, wala pa siyang hinahandang plano hinggil sa Halalan 2022.

Nang tanungin si Ate Vi kung balak ba niyang ituloy ang ikatlo at huling termino bilang House member o umakyat na sa Senado, natawa siya at tumugon:

“Sasabihin na naman, ‘It’s a cliché o kasabihan,’ pero lagi ko pong sinasabi na wala po akong political plans talaga.”

“That’s going to be 2022 pa. Let’s just wait and see,” lahad pa ni Santos-Recto.

SM food to go Banner Ad

Gayunman, sinabi ng dating aktres na tatakbo lang siya sa isang posisyon sa gobyerno na alam niyang kaya niyang gampanan.

“Pero, sa akin po, hindi ko po gagawin ang isang posisyon, o hindi ko tatanggapin ang isang posisyon na alam ko po na hindi ko po magagawa ang aking trabaho,” wika ng House Deputy Speaker.

“Kung anuman po ang papasukin ko, gusto ko po, alam ko ang gagawin ko at gusto ko po ‘yung gagawin kong trabaho,” dagdag niya. (SDC)

 

https://www.facebook.com/watch/live/?v=1089912111468235&ref=watch_permalink

Leave A Reply

Your email address will not be published.