Una sa Balita

Ate Vi umaasang gugulong na ang ABS-CBN franchise bill

0 426

Umaasa ang dating aktres at ngayo’y Deputy Speaker Vilma Santos-Recto na sa pagbabalik ng session, matalakay na ng Kongreso ang pag-renew ng prangkisa ng media company na ABS-CBN.

Sa Marso 2020 na matatapos ang prangkisa ng kompanya, subalit hindi pa rin umuusad sa House legislative franchise panel ni isa sa anim na mga panukala para i-renew ito.

“Considering that we are in recess, I hope that when we go back this November, this will be subject for deliberation by the committee,” ani Ate Vi sa Inquirer.net.

Ang iba pang naghain ng kaugnay na panukala ay sina Pangasinan Rep. Rose Marie Arenas, Laguna Rep. Sol Aragones, Nueva Ecija Rep. Micaela Violago, PBA Rep. Jericho Nograles at Parañaque Rep. Joy Myra Tambunting.

Samantala, inalala ni Santos-Recto na hindi rin aniya umusad ang parehong panukala noong ika-17 Kongreso.

“Just for the record, last 17th Congress, the same [was not] tackled by the committee,” saad nito sa text.

“Pending” pa rin ang lagay ng mga panukala para sa prangkisa ng ABS-CBN simula nang magbukas ang ika-18 Kongreso nitong Hulyo.

Si Palawan Rep. Franz Alvarez ang chairman ng parehong ika-17 at ika-18 Kongreso.

Matatandaang inatake ni Duterte ang nasabing midya noong Nobyembre 2018, at giniit na tututol siya sa pag-renew ng prangkisa ng huli.

“Hindi ko palusutin. Iyong franchise niyo matatapos. But let me ask you questions first. Kasi ako talaga mag-object na ma-renew kayo. Alam mo bakit? Magnanakaw kayo, estapador,” anang Pangulo.

SDC

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy