Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ate Vi, Senado o pagretiro plano sa 2022

0 23

WALA pang desisyon si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto kaugnay ng kanyang gagawin sa 2022 elections.

Sa isang Viber message, kinumpirma ni Santos-Recto na ang kanyang pinagpipilian ay tumakbo sa pagka-senador o magretiro na sa politika.

“Nothing is final,” sabi ni Santos-Recto.

Nang tanungin kung anong senyales ang kanyang hinihintay para ma¬ging buo ang desisyon na tumakbo sa pagka-senador, sagot ni Santos-Recto: “May panahon pa naman mag-isip at magdasal!:)”

Si Santos-Recto ay misis ni Senator Ralph Recto na magtatapos ang termino sa 2022. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.