Una sa Balita

Ate Guy, mga Noranian sumaklolo sa mga biktima ng Taal

0 764

Sa kasagsagan pa lamang ng pagputok ng ­Bulkang Taal ay gusto na agad ng Superstar na si Nora Aunor na magpaabot ng tulong pero nagkasakit at busy ito sa trabaho kaya hindi niya ito nagawa.

Nitong Sabado, Pebrero 9 ng umaga ay naghanda na ang aktres para sa relief operation kasama ang kanyang Noranians Worldwide.

Unang nagtungo ang grupo sa Agoncillo, Batangas, ang lugar na pinaka naapektuhan ng pagsabog ng bulkan kaya hindi na sa evacuation center siya pumunta.

Gusto kasi niyang makita ang tunay na ­kalagayan ng mga tao na hindi iniwan ang kanilang bahay at kabuhayan. Kahit umuulan ay ganado siya sa pamamahagi ng relief goods. Tuwang-tuwa naman ang mga tao at sabi nga nila ay makita lang ang aktres ay sapat na.

Hindi na bago kay Nora ang mga pagka­wanggawa dahil noong 1981 nang pumutok ang Mayon volcano ay isa siya sa mga nanguna sa mga tumulong. (Rodel Fernando)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More