Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ate Gay tinulungan nina Vice Ganda, Paolo sa ospital

0 143

Patuloy ang pagpapagaling ng komedyanteng si Ate Gay (Gil Morales) sa ospital. Marami nga ang nag-alala noong mag-post siya ng larawan niya na nasa ospital siya, may kable ng oxygen sa ilong, at malamlam ang mga mata.

Yes, may sakit nga si Ate Gay, at ilang beses na siyang nagpapabalik-balik sa ospital. Mababasa rin ang mga dasal ng mga tagahanga, kaibigan niya sa kanya, na magpagaling siya.

Pero, marami nga ang natuwa, na ang mga kapwa komedyante ni Ate Gay ang nagsasama-sama rin para tumulong sa kanya.

Una na nga si Paolo Ballesteros, na sabi niya, “Tinulungan ako ng napakagwapong si Paolo Ballesteros… bait-bait naman ng kaibigan ko.”

SM food to go Banner Ad

Kasunod si Jon Santos. At siyempre, pati na si Vice Ganda.

Nakakatuwang makita na sa panahon at sa ganitong sitwasyon, kundisyon ay mas nananaig ang pagtutulungan, kesa ang tampuhan, o kumpetisyon.

“Tinulungan din po ako ni Vice Ganda… Viceral love u…” sabi ni Ate Gay.

Well, hiling ko na sana ay gumaling na nang husto si Ate Gay, at nami-miss na ng mga fan niya ang pagpapatawa niya. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.