Una sa Balita

Ate Gay tinapatan ang paghuhubad ni Anne

0 883

Ang dami ko nang iniisip, dumagdag pa itong bumungad sa Instagram wall ko! Ate Gay, lakas loob na ginaya ang “birthday suit” pictorial ni Anne Curtis!

“#annecurtispictorial lutooooooh naaaaaaah Pinaupong Manok,” caption ng hitad na si Ate Gay na naka-wig, hubo’t hubad, may boobey na peyk sabay tinakpan ang “pasas”, at hinarangan ng braso ang kanyang ka-ari-an.

Kuwelang nawalan umano ng ganang kumain ng manok ang mga follower ni Ate Gay, pero for sure naman na good vibes ang hatid nito sa kanila.

Ano kayang sey ni Anne sa kanyang copycat? Eh si Vice Ganda, na BFF ni Anne, kaya bang gawin ang ginawa ni Ate Gay? Teka, bati na ba sina Ate Gay at Vice?

Vice nagpa-Tulfo

Speaking of Vice Ganda, sa February 23 na ang last day ng show niya na “Gandang Gabi Vice” sa ABS-CBN. At bilang last hurrah, bigatin ang kanyang guest — si Raffy Tulfo!

“Ang hindi manood, matu-Tulfo, promise,” say ni Tulfo sa teaser ng episode na ito.

Papalitan nga ang ‘GGV’ ng ‘Everybody Sing’ na si­yempre, si Vice Ganda pa rin ang host.

Excited na akong mapanood kung paanong kukulitin ni Vice si Raffy, or kung anong ipagagawa nito sa sikat na host ng TV5. Kung may isusumbong kaya si Vice kay Tulfo, ano at sino kaya ito? Hmmmm…

Winwyn sumabak sa military

Hindi pa nakuntento sa pagpapapawis sa gym, ngayon naman ay nagpa-enlist sa military si Winwyn Marquez.

“People are asking me why I want to do this. I simply said because I want to. That’s it. No need for long explanations. We don’t need to justify what we want to do, we can just show them what we women CAN do,”
bahagi ng caption ni Winwyn sa IG post nito showing her habang tinatanggap ang hamon ng pagsabak sa militar.

Isa nga raw sa nakaimpluwensiya sa kanya sa pagsali ay si Rocco Nacino, na nauna nang nakapagtapos sa militar.

May isang hater naman na napa-comment sa post ni Winwyn at sinabing kaya lang ito ginawa ng beauty queen ay para makisali sa bandwagon at makasali sa cast ng teleserye. Kasi nga naman, sa Dos at sa Siyete ay puro army-themed show ang palabas sa primetime.

Pinatulan naman ito ni Winwyn at binanatan ito, “and I got this comment from an account who has a username HOT MEN PH (lol emoji) nice.”
Sana lang, bukod dito ay matutunan niya rin ang tunay na pagi­ging patriotic sa ating lupang sinilangan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More