Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ate Gay tinanghal na ‘reyna ng dugtungan’

0 620

Kada phasing ng quarantine ay may bagong trend. Ngayong nth day na ng quarantine, iba nanaman ang nauso sa social media.

Patok ngayon na kinatutuwaan ng mga tao ay ang dugtungan game sa kanta. Ang mechanics, uumpisahan ang kanta at biglang babaguhin ang lyrics sa dulo na halos katunog ng naunang kanta.

Dahil sa trending na ‘yan, lumutang nanaman ang pangalan ng komedyante na si ate Gay (Gil Morales).

Binibida ng mga netizen na si Ate Gay pa rin puno’t dulo ng nauusong dugtungan dahil siya raw talaga ang naunang nagpauso ng game na iyon.

‘Reyna ng dugtungan’ o’ Mash up Queen’ nga ang tawag sa kanya ng mga fan, netizen, na dapat lang naman, dahil siya talaga ang nagpasikat niyan, ha! (Athena Yap)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.