Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ate Gay nag-sorry kay Vice Ganda

0 133

‘Sorry’ ang maiksi, pero punom-puno ng sinseridad na mensahe ni Ate Gay kay Vice Ganda.

Nakausap ko si Ate Gay tungkol sa nangyari, reaksiyon ni Vice Ganda, na kung saan ay nasaktan nga ito, nang i-post ni Ate Gay ang mga binigay na tulong sa kanya ng mga kasamahan sa industriya noong panahong may sakit siya.

Anyway, nagsimula lang naman ang problema noong nag-post si Ate Gay ng mga photo ng mga politiko tulad nina Bongbong Marcos, VP Leni Robredo.

May mga nag-akusa kay Ate Gay na isa itong DDS. May nagsabi n asana ay hindi na lang siya tinulungan ni Vice at hinayaan na mamatay.

Ganun katindi ang mga mensahe kay Ate Gay, at dahil lang `yon sa mga photo ng mga politician na pinost niya sa Facebook, ha!

Anyway, naobliga si Ate Gay na sabihin na ang kapatid niyang nasa Japan ang nagbayad ng hospital bills niya, at hindi si Vice. Na-trigger rin si Ate Gay na i-post kung magkano ang binigay ng tulong ng mga kaibigan niya, at kasama na nga si Vice.

Dahil doon, na P20K nga ang ambag ni Vice, marami ang nanlait dito, na kesyo ang liit daw ng bigay, na dapat ay mas malaki pa ang bigay.

Kaloka, di ba?

Anyway, `yun na nga, nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Vice at Ate Gay, dahil na rin sa sulsol ng mga sumasamba sa politika.

At sabi nga niya, hiyang-hiya siya dahil nadamay sa isyu si Vice. At sorry nga ang nasabi niya. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.