Una sa Balita

Ate Gay ginamit sa paninira sa ABS-CBN

0 664

Biktima ng fake news ang komedyanteng si Ate Gay o Gil Morales sa totoong buhay.

Lumabas sa isang account (The Scourge of Bombilyas) ang pahayag na ito: “Ate Gay, ayaw maranasan ang nangyare kay Ethel. Tinaggihan ang guesting sa Showtime.

“Ayon sa batikang komedyante at real MASH UP QUEEN Ate Gay, hindi niya pinatulan ang offer sa kanya ng Showtime dahil ayaw nya maghintay ng taon bago makuha ang talent fee na kadalasang nangyayare sa Abs-cbn. Naging lesson umano ang nangyare sa kanyang friend na si Ethel Booba.”

May quotation pa na galing umano kay Ate Gay, huh!

“Ang hirap naman kasi nung mukha kang tanga kakahintay ng talent fee kung babayaran ka ba o hindi…hahaha parang di ko keri besh.

“Ano yun, kung di mo pa idadaan sa social media di sila kikilos para bayaran ka?? Akala ko ba ang claim nila kesyo rich ang abs? Eh bakit baon sa jutang, kaya super mega delay ang pag-give ng TF? Nakakaloka day!!!”

Sinupalpal ito ni Ate Gay. “Wala po itong katotohanan…salamat po.”

***

Andrea binalaan sa relasyon kay Derek

Bumuwelta na si Derek Ramsay sa mga bumabanat sa kanya na siya ang dahilan ng nakaraan niyang break-up sa girlfriend. Sa ngayon, si Andrea Torres ang girlfriend niya pero may natatanggap na babala ang Kapuso actress na mag-ingat kay Derek dahil baka maging biktima siya ng aktor.

May post ang netizen na si @fermzmd at bahagi nito ang pahayag na, “I followed him since Angelica Panganiban. Di pa kasama yung ibang last niya before that ha?

“I lost track counting. He’s living his life. He seems happy. I don’t question that. But it’s not fair to women either. Well he treated them so well no doubt. No bad words but it doesn’t work. Right? What can we do?”

Sa totoo lang, may kausap na isang netizen si fernzmd sa Instagram at hindi napigilang sumagot ni Derek.

“Man you talk like you know what happened in my relationships. I’ve been in only a few relationships that lasted many years.

“It’s sad that ended but you seem to put it all the blame on me. Learn to give respect and never assume. How can you say you are defending women?

“You don’t even know what happened in my relationships It is always the man to blame? Can’t it be otherwise or nobody at all,” sagot ni Derek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy