Una sa Balita

Ate Gay ‘Di na tuwa sa joke ni Vice

0 928

Sa “It’s Showtime” nitong Nob. 21 ay nagbitaw ng joke si Vice Ganda habang ini-interview ang kakasalang lang sa “Tawag ng Tanghalan” na si Resbaker Jaime Navarro.

“Totoo ba na masama ang loob mo dahil hindi ka naisalang sa Celebrity Edition, Ate Gay?” biro ni Vice kay Jaime. “Kasi ang dami mo raw kasing chika sa Facebook.”

“Hindi po kayo ‘yun? Kahawig lang,” pagpapatawa pa ni Vice, dahil kahawig nga naman ni Ate Gay ang Resbaker.

Tila napikon si Ate Gay dito kung kaya’t nag-post siya sa Instagram nitong Biyernes. “Huwag po ako .. TAO ako .. yung ginawa sa akin ng TNT di makaTAO…” caption ni Ate Gay sa kanyang IG post. Laman nito ang kanyang pagkadismaya sa “It’s Showtime” host, bagama’t hindi niya ito direktang pinangalanan.

“Hindi ko napanuod ang showtime kahapon pero marami nag pm sa akin na kaya di daw ako nakapagTNT dahil madami ako hanash sa Fb patama ito sa kamukha ko sa tnt.. naghanash lang naman ako nung nalaman ko na ni ho ni ha wala ako sched after ng interview pictorial at band rehearsa ( tama ba yun at matino ba matatwag yan),” paliwanag ni Ate Gay gamit ang real name na Gil Aducal Morales.

Matatandaang naudlot ang pagsalang ni Ate Gay sa “TNT”, na anang komedyante ay bigla na lang siyang nawala sa lineup. Ipinost niya na hindi na siya kasali sa singing contest gamit ang Facebook. Wala umanong binigay na dahilan ang noontime show kung bakit hindi na siya isinali dito.

Humihingi pa nga ng hustisya sa kanyang sinapit ang komedyante, at nilinaw na hindi isyu sa kanya ang talent fee.

After niyang malaman na hindi na siya kasali sa “TNT”, sa rival show naman nasilayan si Ate Gay, sa “Bawal Judgemental” segment ng “Eat Bulaga”.

Hindi kaya nainis si Vice Ganda nang malaman na sa kalaban na nag-guest si Ate Gay, kung kaya gumanti ito? (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More