Una sa Balita

Ate Gay atat mag-Darna!

By
0 530

Hot topic nga kung sino ang papalit kay Liza Soberano bilang Darna. Kanya-kanyang push at suggestions ang mga fan nina Pia Wurtzbach, Maja Salvador, Nadine Lustre, at Kathryn Bernardo, at iba pa.

Ang dami na ngang namu-mroblema sa ABS-CBN sa pagpili ng papalit kay Liza, dumagdag pa ang komedyanteng si Ate Gay sa listahan! Baklang ‘toh?!

Ani Ate Gay sa Instagram account niya (ategay08): “Papunta ako sa Abs Cbn… sana ako na!!” kung saan naka-costume na siya na Darna at handa nang pumasok sa building ng Kapamil­ya network.

Siyempre pa, panalo sa mga netizen ang pampa-good vibes na gimik na ito ni Ate Gay.

mattinnaly, “Haha ate gay lalo mong pinapatraffic!!!”

ergiezabala, “Pwede @ategay08 sana ikaw na nga… Maiba lng… Kunin na ntin ang bato…. ABSCBN give us a chance.”
smarjo, “Ready agad2. Nka costume na. Ravan!!

aaries76, “Morenang morena. Pasadong pasado.”

mhalvz, “Hindi pa nagDaDarna si Ms.Nora Aunor.. @ategay08 .. baka ikaw na ang tutupad nun.”

Libre ang mangarap, Ate Gay, ‘di ba naman?

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More