Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ate dinos por dos ni utol, tigok

0 81

Patay ang isang 33-anyos na babae nang hambalusin ito ng dos por dos sa ulo ng kanyang nakababatang kapatid matapos silang magtalo sa malakas na tugtog ng radyo sa Cagayan de Oro noong Sabado.

Base sa ulat ng Cagayan De Oro police, natagpuan ang bangkay ng biktima malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Pagatpat. Mayroon itong malaking biyak sa ulo na dahilan ng kanyang kamatayan.

Samantala, kusang loob na sumuko ang suspek matapos ang insidente. Sinabi ng pulisya na itinago nila ang pagkakakilanlan ng magkapatid dahil sa pakiusap ng mga magulang nga mga ito.

Sa imbestigasyon, sumugod ang suspek sa bahay ng biktima dahil naingayan ito sa pagpapatugtog nito ng radyo noong Sabado ng hapon. Nagtalo ang dalawa hanggang masuntok ng suspek ang biktima. Nakakuha ng kahoy na dos por dos ang biktima pero naagaw ito ng suspek at ipinalo ito sa ulo ng kanyang ate.

Kahit duguan, nakalabas pa ng bahay ang biktima para humi­ngi ng tulong pero natumba ito at nalagutan na ng hininga.
Ipinaliwanag ng mga magulang ng dalawa na may diperensiya sa pag-iisip ang suspek at naging bayolente ito sa pag-aaway nila ng kapatid.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.