Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ate Clay artist ng Roxas City

0 62

Si Ate Clay kung tawagin ko sya at dahil sa edad nyang 66 yrs. at biyuda ay tila ayaw pa niyang magpaawat sa kung ano pa ng gusto nyang gawin.

Si Clay Dalid ay isang registered nurse at nagtrabaho sandali sa hospital pero hindi rin nagtagal.

Dahil kahit anong gawin ay lumalabas pa rin ang artistic side niya a’t yung passion nya sa sining ay siyang nangingibabaw.

Kaya naman nag- aral sya ng fashion designing at dressmaking sa Madonna School of Fashion noong 1986 at naitayo nya ang kanyang Clothe Shop hanggang 2009 . Habang sya ay namamahala ng kanyang dress shop ay kanya naman sinimulan ang pag-aaral ng painting sa Ayala Museum na gamit ang watercolor at oil noong 1999 – 2002 sa pamamagitan ng kanyang guro-tutor na si Maestro Habulan.

Ito rin ang daan para sya ay magturo ng painting sa mga kabataan at matanda sa kanyang art school na kanya ding itinayo.

Nag-aral din sya ng Interior Designing at Culinary Arts. Alam nyo ba na hindi pa rin mapigilan si Ate Clay sa pag- aaral. Kumuha rin sya ng pag-aabogasiya at kasalukuyang nagre-review para sa bar exam.

Dahil sa lockdown noong nakaraan taon ay muli nagkaroon ng pagkakataon na mag- painting si Ate Clay. Ang mga subject nya sa painting ay ang mga tanawin at bulaklak sa kanyang beach resort. At Ilan sa mga paintings nya ay naka- display sa kanyang beach resort sa Roxas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pangarap nya na makapag one woman exhibit sa mismong beach resort niya.

“Kaya naman sinabi nya sa kanyang sarili na hindi pa huli para ako ay sumikat sa larangan ng pagpipinta”.

Kaya naman Pasikatin natin si Ate Clay ng sa ganon ay maabot nya ang kanyang pangarap.

Sa mga nagnanais na bumili ng painting ni Ate Clay ay maari ninyo siyang kontakin sa kanyang Facebook Account na Clay Dalid.

 

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.