Una sa Balita

‘ATAT’ cayetano binalaan ni Pulong

0 621

UMALMA si Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte sa ginagawang pamamahagi ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ng committee chairmanship sa mga kongresista kahit hindi pa siya pormal na nahahalal bilang House Speaker.

“Wala pa naman nanalo Speaker, bakit committees na ang tinatanong natin?” tanong ni Rep. Duterte

Nagbabala din ang presidential son na posibleng magkaroon ng malakihang pagkilos sa plenaryo ng Kamara upang hindi makaporma at makaupo bilang House Speaker si Caye­tano sa pagbubukas ng bagong Kongreso sa Hulyo 22.

Kahit makaupo itong Speaker, posibleng matulad pa rin ito sa sinapit ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na sinipa sa puwesto ni dating Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa mismong State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Sa isang text message, sinabi ni Rep. Duterte na may mga umuugong na balita na sa kanilang mga kongresista at maraming daw umanong posibleng sumuway sa rekomendasyon ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes patungkol sa imunungkahi niyang term-sharing deal sa pagitan nila Cayetano and Marinduque Cong. Lord Allan Velasco para sa liderato ng Kamara.

“Mukhang hindi pa tapos ang laban para sa kanilang tatlo at sa mga backers,” saad ni Duterte.

Ayon sa anak ng Pangulo, mukhang marami pang pwedeng mangyari hanggang sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso kulang dalawang linggo mula ngayon at isa sa tatlong frontrunners sa pagka-speaker bago ihayag ni Duterte ang term-sharing deal ay nagbabalak umanong sulutin ang liderato ng Kamara upang mapigilan ang isang Cayetano speakership.

“Kasi may balita-balita, may isa sa tatlo na balak mag coup d’état on the day,” paliwanag ni Duterte.

Nitong Miyerkoles, inamin ni Davao City Mayor at Hugpong ng Pagbabago (HNP) chairperson Sara Duterte na nananatili ang pagtutol ng kanyang partido patungkol sa term-sharing na matagumpay na ginapa
ng at niluto ng kampo ni Cayetano.

“(For) HNP, yes no change,” paliwanag ni Mayor Duterte.

Una nang nagbabala ang alkalde laban sa mga pasimuno ng term-sharing dahil mauuwi lamang umano ito sa trayduran ng mga magkakaalyado at posible na naman mauwi sa isa na namang kudeta sa Kamara.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokerman Salvador Panelo na pawang suhestyon lamang at hindi pipilitin ng Pangulo ang mga kongresista na bumoto para kay Cayetano.

“That’s the suggestion of the President,” paliwanag ni Panelo.
Dagdag pa ni Panelo, hindi naman umano mamasamain ng Punong Ehekutibo kung suwayin ng kanyang mga kaalyado sa Mababang Kapulungan ang kanyang suhestyon na term-sharing para kina Cayetano at Velasco.

“In the ultimate analysis, the vote on the speaker would lie on the members of Congress. The only reason why the President gave that suggestion is because those or vying for it went to him and sought his wise suggestion to settle the row between and among them,” paliwanag ni Panelo.

“Hindi naman siya (Duterte) actually, hindi naman siya nagkukumpas, siya ang pinapa—hindi ba siya ang nilapitan eh. Eh kayo ang lumapit sa akin, sabi n’yo payag kayo, oh ‘di sige pinagbigyan ko kayo. Nasa sa kanila iyon,” hirit pa ng taga-pagsali­ta ng Pangulo. (JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy