Una sa Balita

Atak wala muna sa Sunday Pinasaya

By
0 198

Nakarating sa amin ang impormasyon na may posibilidad na hindi muna mapapanood si Atak sa Sunday Pinasaya dahil sa kaso na kinasasangkutan niya.

Nag-usap din ang mga kasamahan ni Atak sa Sunday noontime show ng GMA 7 na magbibigay sila ng financial help para sa pera na pangpiyansa ni Atak na ikinulong noong Linggo pero nakalabas na noong Miyerkoles.

Billboard ni Kris sa EDSA isa na lang at maliit pa

Kahit may mga nagsasabi na hindi na si Kris Aquino ang Queen of All Media dahil wala na siyang regular television show, kinuha pa rin ng PLDT Home ang serbisyo niya bilang isa sa mga celebrity ambassador.

Opisyal na ipinakilala si Kris na celebrity endorser noong Miyerkoles, kasama ang ibang mga personality tulad nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina, Camille Prats, Bettina Carlos, John Prats, Isabel Oli, Jericho Rosales at Vic Sotto.

“Kris Aquino’s endorsement will enable PLDT Home to reach unprecedented heights with her wide audience reach and online presence,”

ang statement ni Marco Borlongan, ang PLDT FVP and Head of Home Business.

“We’re honored to have Kris as part of the PLDT and Smart families. I am confident that together, we can really empower and inspire more Filipinos, families to build the strongest connections at home through world-class internet and technology,”

ang sabi naman ni Oscar Reyes, Jr., ang PLDT-Smart FVP and Head of Consumer Business for Market Development.

Hopefully, madagdagan na uli ang mga billboard ni Kris dahil noong namamayagpag ang television career niya sa ABS-CBN, nakahilera ang kanyang mga billboard sa Edsa.

But that was before.

Ngayon, isa na lang at maliit na billboard ni Kris na nakikita namin sa Guadalupe Edsa area habang kaliwa’t kanan ang mga billboard ni Pia na endorser ng PLDT Home bago pa siya nanalo ng Miss Universe crown noong 2015.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy