Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Asymptomatic hindi obligado sa RT-PCR test

0 189

Hindi umano kailangan sumailalim sa COVID test ang mga close contact ng isang tao nagpositibo sa virus kung wala naman itong sintomas.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire base sa updated na testing protocol na sumasakop sa general population.

Sinabi ni Vergeire na ang mga health worker, senior citizen at mga immunocompromised individual ang prayoridad sa RT-PCR testing.

“Testing of asymptomatic close contacts shall also not be required unless symptoms will develop,” ani Vergeire.

Sa mga health worker naman na ikinukunsiderang close contacts, ang testing ay optional din at kung gagawin dapat ay limang araw matapos kakakitaan ng sintomas.

Ayon kay Vergeire, hindi na prayoridad ng gobyerno ang contact tracing sa kabila ng surge ng COVID 19.

“Hindi siya priority intervention in areas with high infection rates katulad dito sa NCR. Mas mabilis na po ngayon ang impeksiyon na kumakalat kaysa makapag-contact tracing tayo. Based on epidemiological concepts, hindi na applicable na mag-contact tracing pa tayo kapag ganito na ang transmission and infection rates,”ayon pa kay Vergeire.

Sa kasalukuyang guidelines ang 7 araw na isolation ay kinakailangan para sa mga taong fully vaccinated. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.