Una sa Balita

‘Aswang’ tagumpay sa Amsterdam

0 397

Ni Dondon Sermino

Mahirap talagang kabugin ang mga Pinoy. Na kahit saang larangan mo nga dalhin, ilaban, siguradong aangat at aangat.

At heto na nga, kasama ang “Aswang” ni Alyx Ayn Arumpac sa 12 na entry sa International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA) Competition for First Appearance 2019 sa Netherlands.

Ang “Aswang” ay isang co-production ng Pilipinas, France, Norway, Qatar, at Germany. Makakalaban nito ang mga produksyon galing Spain, Russia, Qatar, Denmark, Brazil, Poland, China, the UK, Serbia, Croatia, Colombia, at Georgia.

Ang IDFA, na nasa ika-32 na taon, ay itinuturing na Cannes sa mundo ng documentary filmmaking.

Pagpapasyahan ang Competition for First Appearance 2019 ng limang miyembro ng IDFA Jury na pinangungunahan ni Paolo Moretti, ang Delegate General ng Cannes Directors’ Fortnight. Makakasama niya ang editor at filmmaker na si Maya Hawke, at ang mga filmmaker na sina Tatiana Huezo, Anand Patwardhan, at Emma Davie.

Dahil nakapasok ang “Aswang” sa IDFA Competition for First Appearance, nagkaroon ng world premiere sa Amsterdam noong Nobyembre 21 ang dokumentaryong tungkol sa war on drugs sa Pilipinas. Ayon sa direktor na si Arumpac, “We’re very proud and grateful to premiere at IDFA, and happy that we were selected for the competition lineup. IDFA is one of the film’s biggest supporters, through its Bertha Fund, IDFAcademy Summer School, and the IDFA Forum. Despite this, all films still have to undergo a selection process to be able to screen or compete in the festival.”

Ang bongga nga dahil sold out ang dalawang screening ng “Aswang” sa Amsterdam.

Mahirap daw ang pinagdaanan ng “Aswang”, dahil ayon kina Cacanindin at Arumpac na hindi naging madali ang pagkuha ng suporta para sa naturang docu.

Kuwento ni Arumpac, “Compared to fiction films, there is not a lot of support structures for documentaries (especially of a political nature) in the Philippines. And it is also not at all easy to get support anywhere if you are a first-time filmmaker from the Philippines. It was purely self-funded during the first year, and it took over a year before we received any support. Asian initiatives such as the DMZ Docs Fund in South Korea, Talents Tokyo Next Masters Grant in Japan, and Docs By The Sea in Indonesia helped the project move forward in the early development stage and connected us to our future partners. As the film took shape, then we could try for other grants appropriate to our stage of production. It was a great amount of work, and we are so thankful and proud to be supported by these institutions.”

Sa harap ng mga pagsubok ay nagpakatatag sina Arumpac at Cacanindin, at nagkaroon pa ng world premiere ang kanilang pelikula.

Nagsimula ang IDFA noong Nobyembre 20 at matatapos ito ngayong Disyembre 1.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy