Una sa Balita

Astros nandaya sa 2017 World Series

0 381

NANDAYA raw ang Houston Astros noong 2017 para masungkit ang World Series title ng Major League Baseball.

Pinasabog ng dating pitcher ng Astros na si Mike Fiers ang balita. Bumato si Fiers para sa Houston noong 2015-2017.

Isa si Fiers sa apat na taga-Astros na nagsabi noon kina Ken Rosenthal at Evan Drellich ng The Athletic hinggil sa sistema ng pandaraya ng club gamit ang electronic sign-stealing scheme.

Isang hitter at coach daw ang naglagay ng camera sa outfield, nakatutok sa opposing catchers. Papanoorin ng Astros players ang sen­yas ng kabilang team sa isang video monitor malapit sa kanilang dugout, bago kakatukin ang garbage can para isenyas naman sa kakampi kung anong pitch ang parating – kung ball o strike.

Ayon sa sources ng The Athletic, ang paniwala raw noon ay gumagawa na rin ng high-tech sign stealing ang ibang teams kaya umisip din ng sariling sistema ang Astros.

Isyu na sa MLB ang electronic sign-stealing.(VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy