Una sa Balita

Assunta tumangging ikumpara ang halik ng mag-amang Bong, Luigi

0 549

Gets naman ng marami ang nais na sabihin ni Assunta de Rossi nang sabihin nitong “ka-cheapan” na gamitin pa ang mga eksena nila ni Luigi Revilla sa TRES movie.

Nang dahil kasi sa torrid kissing scene nila ni Luigi, naungkat tuloy yung dati rin nilang eksena ng daddy ni Luigi na si dating Senador Bong Revilla sa old movie nila noong kasikatan pa ni Assunta bilang one of the sexiest and most desira­ble women sa showbiz.

Ang hindi lang marahil na-gets ni Assunta bilang sistema sa showbiz ay ‘yung pag-usapan ang mga ganung eksena, lalo pa’t may gaya ni Luigi na aminadong “attracted” sa pagiging mahusay niyang gumanap bilang “cougar” sa movie.

Ayan tuloy, marami ang na-curious dahil hindi sinagot ni Assunta kung sino ang better kisser sa mag-ama dahil aniya, “luma na. Matagal ng panahon ang lumipas at aktres ako na may role na ginagampanan.”

Mapanood na nga lang ang TRES sa October 3 nang mahusgahan hahahaha!

Pinagnasaan ko si Sanya — Derrick

Sadya nga sigurong liberal at open-minded si Derrick Mo­nasterio kaya wala itong paligoy-ligoy sumagot ng mga seksing tanong kaugnay ng sexy and adult movie nilang Wild and Free.

“2018 na po ngayon. Wala naman sigurong maniniwala na at my age ay virgin pa ako at walang alam, ‘di po ba?” sey ng bidang aktor ng latest Regal Films offering coming in cinemas this October 10.

Matagal na naming kilala at nakakasama ang binatang anak ng dating aktres na si Tina Monasterio at nakilala namin itong prangka, maboka at walang kiyeme sa pagsagot ng tanong. May karapatan namang sadya ang halos 6 footer young hunk actor dahil may kakaiba siyang “lahi” bilang bagong Adan ng millennial age.

Feel na feel tuloy naming “nahawaan” nito ang leading lady niyang si Sanya Lopez na proud namang nag-anunsyo na “virgin” pa siya.

Sey nga ni Sanya, “hindi naman po kailangang maranasan ko ‘yung mga ganu’ng scenes (intimate and sexy scenes) para masabing marunong ako o hindi. Marami namang paraan as an actress kung paano dapat atakehin ang mga ganung eksena. May mga pinanuod naman akong kagayang films and with the great supervision and gui­dance ni Direk Connie (Macatuno), nagawa ko naman po ang hinihingi ng script.”

“Basta ako hindi ako magsisinungaling na may mga moment during the filming of Wild and Free na inilusyon o nagnasa talaga ako sa kanya (Sanya). Malaking kaipokritohan namang sabihin na gumagawa kami ng sexy movie and scenes tapos wala lang sa akin?” pahabol pa ni Derrick.

Hahahaha! Tama nga naman di ba? Iyan ang aktor!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy