Una sa Balita

Assunta ayaw nang pag-usapan ang lampungan kay Luigi

0 838

abante-anything-goes-jun-lalinMalapit na ang showing ng Tres, ang trilogy movie ng Imus Productions, Inc. ng pamilya Revilla (Bautista) na sinimulan ng veteran action star na si Ramon Revilla.

Ito na ang hudyat ng muli nilang pagpapaka-active sa movie production.

Sa Amats episode ng Tres, si Assunta de Rossi ang leading lady ni Luigi Revilla.

Palaging napag-uusapan ang tungkol sa love scene ng dalawa na kinunan ni Direk Dondon Santos sa first shooting pa lang ng kanilang episode.

Sabi ni Assunta, ginawa niya ang eksenang ‘yon with Luigi dahil kailangan sa istor­ya ng pelikula, pero siyempre, mas gusto niyang ma-focus naman ang publicity ng kanilang episode tungkol sa araw na makukuha sa movie at hindi ‘yung sa love scene na lang ng anak nila ni former Senator Bong Revilla.

“It’s about drugs, maraming lessons na matututunan doon sa episode namin, so, mas maganda sana kung doon ma-focus ‘yung publicity namin at hindi na sa love scene namin ni Luigi.

“Baka kasi mailang din sa akin si Luigi kung palagi na lang kaming matatanong tungkol doon.

“Actually, si Direk Dondon naman, noong i-offer niya sa akin ‘yung movie, dahil bukod nga na siya ‘yung direktor, eh, line producer din siya, tinanong niya sa akin kung okey lang bang gawin ko ang eksenang ‘yon.

“Nang mabasa ko naman ang script, kailangan talaga, so, sige. Saka maingat naman si Direk Dondon,” paliwanag ni Assunta.

Sa bait din daw ng mga star and staff ng Amats episode, kahit abala ngayon si Assunta sa pag-aayos sa bago nilang nilipatan, nag-yes pa rin siya na tutulong sa promotion ng pelikula, kaya naman kahapon ay um-attend siya sa grand presscon at nag-taping din kagabi para sa Tonight with Boy Abunda.

“Kapag kakuwentuhan ko si Direk Dondon, sinasabi niya sa akin na sobrang ganda ng movie, kaya a-attend din ako sa pemiere night on Sunday,” sabi pa ni Assunta.

Sa taping nga pala ni Assunta kagabi, natanong siya ni Boy Abunda kung nagseselos ba ang mister niyang si former Congressman Jules Ledesma kapag may mga love scene siya sa mga proyektong ginagawa niya, pero sinabi niyang hindi.

Kung ganoon nga naman kababaw si Jules at magseselos siya, natural, hindi na lang tatanggap ng ganoong proyekto si Assunta.

Anyway, importante kay Assunta ang Tres dahil last project na muna niya ito at baka sa 2020 pa siya tumanggap uli.

Hopefully nga kasi by 2019 ay matupad na ang wish nila ni Jules na finally ay magbuntis na siya.

“Basta sa ngayon, hindi muna kami nag-iisip. Dapat wala munang stress, para next year, sana, magbuntis na nga ako,” dialogue pa ni Assunta.

Martin dapat abangan sa Abante Live

Naglambing ako kay Martin Nievera at sa manager niyang si Joy Alonzo na mag-guest naman ang Concert King sa Anything Goes online show ko sa Facebook account ng Abante News Online, pero ako mismo ang nagsabing saka na lang dahil naloka ako sa schedules ng singer/TV host.

Puno ‘yon.

Sa isang araw nga, minsan ay may tatlong commitments siya, huh!

So, pagkatapos na lang ng kanyang US Concert Tour ngayong October at pagbalik niya ng bansa sa November siya magge-guest sa Abante News Online.

Anyway, special guest nga pala si Martin sa 40thAnniversary concert ng Megastar na si Sharon Cuneta!

Reg ayaw pang magsalita sa paglipat sa ABS-CBN

Tama ang sinabi ni Ms. Lilybeth Rasona­ble nang magkaroon ng presscon ang GMA 7 para sa Top 12 ng Clasher ng The Clash na may pinaplano silang musical variety show dahil noong Sunday nga, nag-announce na ang Kapuso network tungkol sa Studio 7.

Sa October 14 na ang pilot ng bago nilang musical variety show na pang-primetime raw.

Hindi kasama sa listahan ng hosts ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na sinasabing aalis na nga sa Siyete.

Tinatapos na nga lang daw kasi ni Regine ang The Clash na ang finale night ay sa Sunday na.

Anyway, wala pa namang final announcement si Regine tungkol sa sinasabing malapit na niyang paggo-GOODBYE sa Kapuso network!