Una sa Balita

Assunta ayaw nang magtrabaho, pabubuntis na

By
0 293

Halos weekly ay nakakatanggap ng offer si Assunta de Rossi na maging cast member ng iba’t ibang TV series na sisimulan ng ABS-CBN at GMA 7, pero nagagandahan man siya sa mga offer na ‘yon ay kailangan niyang tanggihan.

Ang dahilan ni Assunta, gusto na talaga niyang mag-buntis. Hindi raw kasi siya puwedeng ma-stress sa trabaho at kailangan niyang magpahinga na talaga bago muling subukan ang in vitro fertilization.

“Para makabuo, kailangan magpahinga na rin ako, kaya hindi na talaga ako puwedeng tumanggap ng regular TV show,” sabi ni Assunta.

Gustung-gusto na raw talaga niyang magkaanak dahil pati ang mister niyang si Jules Ledesma ay nae-excite na rin na magbuntis siya.

“Sana nga, maging okey na,” sabi pa ni Assunta.