Una sa Balita

Associate Justice Tijam nagretiro na

0 357

OPISYAL na ang pagreretiro kahapon ni Supreme Court Associate Justice Noel Tijam matapos nitong maabot ang 70-anyos mandatory retirement age.

Si Tijam ay nagpaalam na noong Biyernes sa kanyang mga kasamahan, opisyal at empleyado ng Hudikatura.

Sa talumpati naman ni SC Chief Justice Lucas Bersamin, pinapurihan nito si Tijam sa kanyang 25 taon dedikasyon sa trabaho.

Tumanggap rin si Tijam ng ‘retirement tokens’ tulad ng watawat, replika ng SC seal, judicial robes, brass shingle, gayundin ang SC ring, pen at timepiece, book of decisions, Chief Justice Jose Abad Santos award, statuette of judicial excellence, at plaque of recognition.

Nalaman na idi-display rin sa SC ang lara­wan ni Tijam kasama ang kanyang pamilya.

Sa Lunes, pormal na magpapaalam si Tijam sa mga empleyado ng SC sa regular na flag raising ceremony.

Nalaman na si Tijam, ay ipinanganak noong 1949 sa San Miguel, Manila, at nagtapos ng Bachelor of Arts degree in philosophy at political science sa San Beda College noong 1967.

Kumuha siya ng law sa naturang kolehiyo at nagtapos bilang salutatorian noong 1971 at pumasa ng bar noon nabanggit rin na taon. (Juliet de Loza-Cudia)­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy