Una sa Balita

Asset ng pulis inasinta sa ulo

By
0 939

Todas ang isang lalaki na umano’y asset ng mga pulis makaraang barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Valenzuela City, Lunes nang gabi.

Hindi na nadala pa sa pagamutan ang biktimang si Morris dela Cruz, residente ng Azicate Homes, Independence St., Brgy. Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng cal. 9mm pistol sa ulo at dibdib.

Ayon sa ulat, bandang alas-otso nang gabi, naka­tayo sa San Gregorio St., ng nasabing barangay, si Dela Cruz at nakikipag-kuwentuhan sa mga residente doon.

Biglang dumating ang dalawang lalaki at malapitang binaril sa ulo ang biktima na nakatakbo pa ng dalawang hakbang bago tuluyang sumubasob sa semento.

Tumakas ang mga sa­larin sakay ng balsa patu­ngong Brgy. 160, Libis, Baesa, Caloocan City.

Pagganti ang sinisilip na motibo sa pagpatay kay Dela Cruz dahil siya ang pinaghihinalaang nagpahuli sa mga pulis sa mga drug personality sa lugar nitong nakaraang taon.

Limang basyo ng 9mm pistol ang narekober ng mga tauhan ng Scene on the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyariha­n ng krimen.