Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Asset ng militar nilikida

0 53

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng apat na armadong lalaki ang isang lalaki na diumano’y informer ng Philippine Army sa Catanauan, Quezon Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng Catanauan Police ang biktima na si Randy Asi Rustia, Brgy. San Vicente Kanluran.

Ayon sa testigo, nakita nito ang apat na suspek na pawang nakasuot ng itim na damit at nakasuot boots sa bahay ng biktima.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang maiksing pag-uusap ng mga ito, isinama ng mga suspek ang biktima papalayo sa kanilang bahay.

Subalit hindi pa kalayuan ay pinagbabaril na ito, saka umalis ang mga suspek. Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit dead on arrival.

Ayon sa pulisya, posible umanong mga miyembro ng New People’s Army ang mga suspek at ang pagiging informant ng biktima ang pangunahing motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.