Assassination plot vs Thai PM napigilan

By

Natuklasan ng Thailand police ang planong pag­likida ng isang grupo laban kay Thailand Prime Mi­nister Prayuth Chan-Ocha.

Ayon sa ulat, kinumpirma ni Thai National Police Jakthip Chajinda ang tangkang pagpatay matapos salakayin ang tahanan ng nagsisilbing assassin na miyembro ng ‘red shirt movement’, isang anti-junta group na konektado sa exiled leader na si Prime Mi­nister Thaksin Shinawatra.

Sinasabing nabawi ang bultu-bultong mga armas at bala sa bahay ng ‘red shirt leader’ na si Wuthipong Kochatmakun, na nagtatago sa batas mula nang maganap ang kudeta sa kanilang bansa.

Maliban sa mga baril, granada at bala, siyam katao rin ang dinakip ng mga awtoridad.

May isa ring sniper rifle na may ‘scope’ ang natagpuan kasama ng maraming armas na posibleng gagamitin umano sa assassination plot ng prime minister.


SHARE