Una sa Balita

Asong Pinoy ni Heart sosyalin, puro mamahalin ang gamit

By
0 401

Lume-level kay Heart Evangelista-Escudero ang kanyang alagang Aspin (Asong Pinoy) na si Panda or Panpan dahil may sariling feature page ito sa Cosmopolitan PH website.

Kilala na ng 2.7 million followers ni Heart on IG si Panda dahil kasali ito parati sa mga pino-post ni Heart, lalo na kapag nasa bahay lang ito o paminsan-minsan ay sinasama siya ni Heart sa ilang biyahe nito.

Sosyal ang pet dog na ito ni Heart dahil mamahalin at designer brand din ang mga gamit nitong blanket, scarf, sweater at may sariling bag ito ng kanyang mga gamit.

Mamahalin din ang collar ni Panda dahil brand name din ito.

Tulad ng kanyang amo, marunong mag-pose si Panda kapag kinukunan siya, lalo na kapag kasama niya mismo si Heart sa frame.

Noong 2015 inampon ni Heart si Panda pagkatapos na ma-rescue ito at iba pang puppies ng kanyang ama sa Batangas.

Pinakamahiyain daw sa mga rescue pups nila noon si Panda, pero ngayon ay puwede na itong tawagin na “Crazy Rich Asian Pet Dog” dahil sa lifestyle na nai-provide sa kanya ni Heart.