Una sa Balita

Asim ni VP Leni masusubukan sa mga kandidato ng oposisyon

By
0 543

MAAARING mapabuti ng mga kandidato ng oposisyon ang kanilang pre-election survey oras na iendorso at ikampanya ni Vice President Leni Robredo.

Ito ang tiniyak ni Senador Antonio Trillanes IV dahil sa pangangamote ng mga kandidato ng oposisyon sa mga nagdaang senatorial survey.

Sa walong pambato ng oposisyon, tanging­ sina dating Interior Secretary Mar Roxas at reelectionist Senador Bam Aquino ang may ‘statistical chance of winning’, ayon sa survey na inisyu ng Pulse Asia.

“Si Vice President Leni, in the coming days, ay lalabas siya to formally endorse itong opposition candidates. Malaking boost ‘yan,” sabi ni Trillanes.

Kumpiyansa rin ang senador na mapapawalang-saysay ang mga nagdaang ranking sa survey at makakahabol ang mga opposition bet kapag nagsi­mula na ang campaign period.

“I am confident na once magsimula ang campaign, makakahabol ‘yan (opposition bets). Unang malalagas d’yan iyung mga walang ipinapakita, name recall lang ang kapital,” sabi pa nito.

Ang opposition slate, na koalisyon ng Partido Liberal, Aksyon Demokratiko at Magdalo Party-list ay binubuo nina Roxas, Aquino, dating Solicitor Gene­ral Florin Hilbay, da­ting Deputy Speaker Erin Tañada, Rep. Gary Alejano, Mindanao women’s champion Samira Gutoc, lawyer Romulo Macalintal, at human rights defender Jose Manuel ‘Chel’ ­Diokno. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy