Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Asian Qualifiers sa ‘Pinas 50-50

0 204

NANGANGANIB ang pagho-host ng Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers na nakatakda sa Pebrero dahil sa pagtaaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Ryan Gregorio, special assistant kay SBP president Al Panlilio, na naghihintay ang asosasyon sa mga kaganapan kaugnay sa COVID cases.

“We are still monitoring the situation. We are adhering to the government’s guidance. Hopefully the COVID-19 situation will stabilize as soon as possible,” sabi ni Gregorio sa panayam ng Spin.ph dahil sa paglalagay sa Metro Manila at maraming probinsiya sa bansa sa ilalim ng Alert Level 3 hanggang sa Enero 15.

Una nang nakansela at iniusog ang mga laban ng Gilas Pilipnas sa nasamahan nitong grupo noong Nobyembre kaya inaasahang magiging abala ito sa unang round ng qualifiers kung saan lahat ng apat na grupo na nasa Group A ay sasabak sa apat na laro sa loob ng limang araw sa pinaplano na bubble set-up sa Smart Araneta Coliseum.

Unang maghaharap ang New Zealand at India habang makakasagupa ng Pilpinas ang Korea sa muling pagkikita sa Pebrero 24. Ito ay susundan ng laban New Zealand at Korea at sa pagitan ng Pilipinas kontra India sa Pebrero 25.

Matapos ang isang araw na pahinga sa Pebrero 26 ay sasagupain ng Pilipinas ang New Zealand habang ang Korea ay makakatapat ang India sa Pebero 27.

Huling magtatapat ang New Zealand at India bago ang ikalawa at rematch sa Pilipinas at Korea sa Pebrero 28. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.