Una sa Balita

ASIAN Games 2030, ‘wag na natin hangarin

0 581

Usap-usapan ngayon na kuwalipikado daw ang ­Pilipinas upang mag bid sa ASIAN Games sa ­taong 2030.

Naging maayos kasi ang opening ceremonies sa 2019 SEA Games sa ating bansa kaya naman marami ang humanga ay maaari raw mag host ang Pilipinas ng ASIAN Games.

Mas malaki ang ASIAN Games at tiyak na doble ang magagastos ng Pilipinas sa ginastos nito sa SEA games ngayong taon dito sa ating bansa
Kung tutuusin ay hindi na dapat muna mag-host ang ­Pilipinas sa mga ganitong event dahil sa sobrang ­gastos nito.

Gipit nga ang Pilipinas sa pondo at bakit gagastos pa tayo sa mga ganitong event .

Ang Brunei na orihinal na may karapatan na ­mag-host ng 2019 SEA Games ay umatras­ na ang ­dahilan ay ang ­gastusin at pasilidad.

Mas mayaman ang Brunei kumpara sa Pilipinas pero sila ay mas naging masinop sa kanila salapi at umatras sa pag-host ng 2019 SEA games na sinalo naman ng Pilipinas.

Totoong may mai­dudulot din namang bentahe ang ­hosting ng SEA games lalo na sa mga turista at pamumunan pero sa kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya at panana­lapi ng Pilipinas ay mas maraming dapat na pondohan na proyekto para sa kapalinabangan ng mga Pilipino.

Sa mga susunod na panahon na lang railman host ng mga malalaking event kapag naluwag At may sapat ng pondo ang ating gobyerno.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More