Una sa Balita

Asiad gold medalist Saso, Corpus papalo sa ’18 YOG

0 237

MAKAKATULONG si Carl Jano Corpus sa kakampi nito sa pambansang koponan na si 2018 Asian Games gold medalist Yuka Saso sa hangad na maiuwi ang gold medal ng Pilipinas sa 2018 Youth Olympic Games sa Oktubre 6-8 sa Buenos Aires, Argentina.

Papalitan ng 16-anyos na Ateneo student na si Corpus ang beterano sa Indonesia Asian Games na si Luis

Miguel Castro, na unang napili ng National Golf Association of the Philippines (NGAP) pero umatras sa paglalaro.

Bitbit ni Corpus ang kredensiyal na nakapagwagi ng ilang World Junior golf title. Nakasama din ito sa National Golf Team na naglaro sa 2017 Southeast Asian Games sa KL,Malaysia.

Isa din si Corpus sa pangunahing miyembro ng PH Junior team na nakapagkuwalipika sa susunod na taon na World Juniors matapos na sumegunda sa nakaraang linggong Asian Junior Team Championships.

Nabigyan ang Pilipinas ng tig-isang silya sa lalaki at babae para makalaro sa sports na golf sa 2018 YOG dahil sa mataas nitong Top 25 placings sa namamahalang International Golf Federation (IGF) World Rankings.

Si Saso ang top choice dahil sa kanyang maraming panalo ng titulo sa amateur ngayon na pinakahuli ay ang pagsungkit ng dalawang gold medal sa nakalipas na Asian Games.

Ang dalawang batang golfer ay tutulungan ni dating PH Open champion at national coach Rick Gibson ng Canada. Si Gibson din ang humawak sa men at wo¬men’s teams na sumabak sa Jakarta Asiad.

Maliban kay Saso at Corpus, ang iba pang kuwalipikado sa YOG ay sina Nicole Marie Tagle sa archery, Christian Tio sa sailing-kiteboarder; Jan Mari Nayre sa table tennis, Nicole Oliva sa swimming at Lawrence Tan sa fencing. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy