Una sa Balita

AshMatt may marriage license na

0 900

Pumutok kahapon (Huwebes, Pebrero 20) ang balita na ikakasal anytime ang celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo o “AshMatt”.

Ito ay matapos iulat ng beteranong entertainment editor, columnist na si Ricky Lo na galing umano sa kanyang “highly-reliable source” ang naturang balita.

Sinabing “hush-hush” o talagang pribado ang magaganap na kasal ng dalawa at darating din umano ang pamilya ni Matteo pero hindi sigurado kung makakadalo ba ang mga magulang ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Ayon sa source ng writer, nag-apply para sa marriage license ang couple nitong Pebrero 3. May mga lumalabas din na ulat na plano ng dalawa na isagawa ang kanilang kasal sa Italy.

Nalito naman ang mga netizen nang mag-tweet ang entertainment reporter ng ABS-CBN na si MJ Felipe.

“Not true (smiley emoji)” saad sa tweet ni Felipe.

Walang tiyak na subject kung sino o ano kaya ang pinatutungkulan ng reporter pero palagay ng mga netizen ay may kinalaman ito sa balitang ikakasal na umano ang AshMatt.

Makikita rin kasi sa Instagram story ni Matteo na kasalukuyan siyang nasa Da Gianni na restaurant kahapon at kumakain. Sa IG Story ay pinaglalaruan niya ang kanyang mukha (naka-boomerang) na parang takang-taka.

Walang kaayos-ayos si Matteo, dahil naka-t-shirt lang siya at naka-sumbrero pa. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More