Una sa Balita

Ashley Rivera, spoiled kay Willie Revillame

By
Ash Ortega
0 33

Introducing si Ashley Ortega sa Spirit of the Glass 2: The Haunted at ito ang kanyang unang pelikula kaya malaki ang pasasalamat niya kay Boss Orly Ilacad, ang produ­cer ng Octoarts Films.

Her eyes tho 😍 #happy510followerssakin 👏😂

A post shared by Ashley Ortega Fans (@ash.ortega) on

Overwhelmed si Ashley dahil hindi nito inaa­sahan na darating ang araw na maglalagare siya sa mga taping, shooting at mararanasan niya na hindi matulog.

Regular co-host si Ashley ng Wowowin, cast member siya ng Super Ma’am, ang primetime teleserye ni Marian Rivera sa GMA 7 at isa sa mga bida ng Spirit of the Glass 2: The Haunted.

“Hindi na ako nakakatulog. Last week, from Monday to Saturday, hindi ako nakakatulog, dire-diretso ako pero kinakaya ko naman. Iniidlip ko na lang kapag may time ako na magpahinga sa kotse,” ang sabi ni Ashley na MWF ang tapings para sa Super Ma’am at TTHS ang tapings para sa game show ni Willie Revillame.

Thankful si Ashley kay Willie dahil pumayag ito na tanggapin niya ang Spirit of the Glass 2, kahit nangangahulugan ito ng absence niya sa Wowowin. Marami rin ang mga aral na natututunan niya mula kay Willie.

“Pinapagalitan niya kami lalo na sa work, kapag may mga mali. Sobrang galing ni Kuya, I look up to him. Saka kapag nagagalit siya, sandali lang. ‘Pag walang work, sobrang chill lang siya.

“Lahat naman yata ng babae, na-link sa kanya. Never niya akong niligawan. Sobrang bait niya. Bunso nga ang tawag niya sa akin. Spoiled ako sa kanya.

“Hinahayaan niya ako na biru-biruin­ ko siya. Lahat kami nabigyan niya ng Louis Vuitton­ bag. Before pa, nabigyan na niya ako. Hindi pa ako regular co-host, nu’ng first time ko na mag-co-host, once a week pa ang show niya. Tatlo kami nina Bianca Umali at Gabbi Garcia.” 

Daniel Matsunaga, ‘eerie’ ang karanasan sa Laguna

Co-star ni Ashley si Daniel Matsunaga sa Spirit of the Glass 2: The Haunted. Nagkuwento sa amin si Daniel tungkol sa mga eerie experience niya nang mag-shooting sila sa isang bahay sa Laguna kaya tinanong namin si Ashley kung may nakakapangilabot din ito na karanasan.

“Meron ba? Totoo ba? Baka promo lang ‘yan?” ang patanong at natatawa na sagot ni Ashley na natural na prangka kaya nagustuhan ni Willie ang ugali niya.

Dahil walang maibahagi na kakaibang karanasan sa shooting ng unang­ pelikula niya, inisa-isa na lang ni Ashley ang mga dahilan para suportahan ng moviegoers ang Spirit of the Glass 2: The Haunted.

“It’s a millennial story. I’m sure ‘yung mga teenager,­ mag-e-enjoy sa panonood. Hindi siya boring, nakakatakot, maraming thrill, mara­ming scary at nerve wracking scenes, I’m sure, sisigaw sila.”