Una sa Balita

Ashley Graham buntis na

0 297

“Surprise!” ang masayang bungad ng international supermodel na si Ashley Graham sa kanyang Instagram nang ianunsyo ang kanyang pagdadalang-tao.

Magkakaroon na nga sila ng baby ng kanyang asawa na si Justin Ervin.

Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-siyam na anibersaryo bilang mag-asawa, bonggang regalo nga ang natanggap nila which is ang pagkakaroon ng first baby.

“Nine years ago today, I married the love of my life. It has been the best journey with my favorite person in the world! Today, we are feeling so blessed, grateful and excited to celebrate with our GROWING FAMILY! Happy anniversary, @mrjustinervin .. Life is about to get even better,” matamis na caption ni Graham sa kanyang instagram post.

Nagpaabot pa ng pagbati si Hailey Bieber kay Graham at excited na rin ito para sa kanyang kaibigan.

Bukod pa riyan, mayroon ding sweet na post si Ervin para kay Graham. “To my forever love and my daily inspiration. Happy anniversary @ashleygraham These 9 years have played out like a lifetime. I guess it’s because my life really started once you came into it. Now that we’ve made a life together, let’s make a life together. I love you and I love us. All of us…”
Anyway, ikinasal noong 2011 sina Graham at Ervin. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy